BNC eXtreme Edition  

Go Back   BNC eXtreme Edition > Creativity > The Dark Room

The Dark Room Enter the world of Photography. The place for Digital and Film cameras. Let's talk about the latest trends, accessories, photo enhancing software, camera types, formats and other stuff related to Imaging. Have photo tips or tricks? Share them here too.

Reply
 
Thread Tools
Old May 7th, 2009, 11:47 AM   #1
Romeo
Capture It All

 
Romeo's Avatar
 
Join Date: Jul 21 2005
Location: Pasig City
Posts: 14,839
Icon10 Anung uri ng manunyut ka???

ANUNG URI NG MANUNYUT KA??? (what kind of photographer are you?)

Grabbed from another forum


1. MAKALIKOT

Ito ang uri ng photographer na naka-pose na ang modelo pero bago pindutin ang shutter button ay kung anu-anong settings pa ang pinaglalalagay sa camera n’ya: mula shutter speed hanggang sa lens length, kahit prime na ‘yung lens n'ya at sakto na, papalitan n'ya pa rin kasi pakiramdam n'ya parang may mali. Nagbo-bokeh pa para lang makuha ‘yung gustong effect! Ang resulta? Hayun, ngawit ang model.
Kalupitan level: 1/5


2. MAUTOS

Madalas ito sa mga may model shoot. Uutusan nila ang model: nguso, liyad, tuwad, higa, hubad - makuha lang yung perfect angle. Ang resulta? Ang model ay parang clay - kung anu-anong posture ang gagawin. Kaso 'di puedeng umangal ‘yung model. Papasikatan s'ya nung photographer tapos 'pag tinanong ng model kung tapos na ba yung pose, hindi pa. Makikita mong gumugulong-gulong din 'yung photographer para daw perfect lighting 'yung kuha n'ya.
Kalupitan level: 3/5


3. HUMAN GORILLAPOD

Uncommon ito pero 'pag naka-encounter ka, luluwa mata mo! Opposite ito ni MAUTOS. Imbes na utusan ang model, ang photographer mismo ang nagbe-bend, lumiliyad, humihiga, tumutuwad. Kulang na lang maging gorillapod dahil sa pagiging flexible sa pagkuha. Ayaw n'yang utusan ang model dahil baka tumanggi na 'yun sa next photoshoot eh. Makikita mo lahat ng kasama n'ya imbes na sa model na maganda nakatingin, sa photographer. Biruin mo, human gorillapod flexibility eh. 'di mo s'ya masisisi: perfect lighting ang habol n'ya. It's all about the lighting 'ika nga 'di ba? And, his/her shots will justify it. Pero pagkatapos ng shoot at nakauwi na ang lahat, dederetso 'yan sa botika para bumili ng pain reliever.
Kalupitan Level: 6/5


4. MAPINDOT

Makita lang 'yung shutter button - 'yung bilog na kulay abo na makintab - talagang naglalaway na, at gagawin ang lahat para lang mapindot. Nanghihinga s'ya sa tuwing maririnig ang tunog ng shutter release. "chukah chukah chukah" Kung maaari lang na gawing ringtone sa cellphone, ginawa na n'ya.
Kalupitan level: 2/5


5. MAPILI

Marami nito sa event shoots lalo sa cosplay shoots. Basta makita n’yang maganda, shoot! pero ‘pag nakita n’yang parang ‘di pasok sa panlasa n’ya, ‘di n’ya kukunan kahit marami na’ng photographer ang kumukuha. ‘pag sinabi n’yang ayaw, kahit umiyak ka ng dugo para kunan n’ya, ayaw talaga.
Kalupitan level: 3/5


6. AUTISTIC/TUOD

Oo meron n’yan! ‘yung tipong kailangan mo i-reboot ‘yung tao. Aakalain mong ‘di gumagalaw, pero ‘pag nakapose na ang model, parang robot ‘yang itataas n’ya ang kamay na may camera papunta sa kanyang mata. Alam n'yo yung pag-arte ni Arnold Schwarzenegger sa Terminator? Ganon s’ya: cold. Makikita mo ‘yan nakatayo lang sa isang tabi tapos hindi kikibo. ‘pag lalapitan mo, blank. Magugulat ka na lang may reset button na umiilaw. Pentium Poor ang processor n’ya. pero ‘wag mo s’yang pagtawanan, magaganda ang mga shots n’ya. Kelangan lang n’ya mag-upgrade ng processor.
Kalupitan level: 7/5


7. MA-ZOOM

Ito ‘yung mga may paparazzi tendencies. Makikita mo sa lens lineup n’ya: may wide, tele, hanggang dun sa mga naglalakihang zoom lens gaya ng 70-200mm, 80-400mm, etc... merun s’ya! ‘yan yung mga tatawagan mo sa gabi, sasabihin nagna-night shoot daw. Night shoot nga kaso ang kapitbahay na nagbibihis ang subject.
Kalupitan level: 4/5


8. MA-MACRO

Kabaliktaran ito ni MA-ZOOM. Lahat ng maliliit na bagay, gustong up-close at malaki: magmula sa langaw, bangaw, tipaklong, gagamba, langgam, sperm cell at kung anu-ano ‘pang gumagapang at gumagalaw. Lens lineup? Ayaw bitiwan ang kit lens n’ya kase may macro capabilities ‘yun. Madali mo silang mapupuna kasi kahit walang camera, makikita mong uupo, dadapa, tutuwad o gagapang ng malapitan sa isang subject at iisipin "ima-macro kitaaahhh… hintayin mo, mamamacro din kitaaahhh… bwahahaha…"
Kalupitan level: 3/5


9. TRIGGER-HAPPY

Pagsamahin mo ‘yung characteristics nila MAPINDOT at MA-ZOOM para maabot ang status na ‘to. Lahat kinukunan. Lahat at kahit anong bagay: electric fan, bumbilya, lababo, agiw, o alikabok; pati pulubi, taxi driver, katrabaho, kapitbahay, tindera, bata, matanda o tulog, gising, patay, gumagalaw o hindi. Basta parang lulong na palaging may bumubulong na “ito, kunan mo, kunan mooohhh!!!”
Kalupitan level: 5/5


10. MAGALA / PALABOY / LAGALAG

Ito ‘yung photographer na gala. May hampered characteristics ito ni TRIGGER-HAPPY. Lalabas ito ng bahay sa umaga, bitbit ang camera. Mula Manila City Hall, mapapadpad ‘yan ng Caloocan.Uuwi ng hapon na punong-puno ng raw at jpeg files ang memory cards n’ya. ‘wag n’yo s’yang sisihin, marami syang pera!!!
Kalupitan level: 4/5


11. TAMAD

Ito ‘yung mga taong may characteristics ni TRIGGER-HAPPY pero tinatamad pagdating sa post-processing. Bihira mag-shoot sa raw, jpeg na lang. Makikita mong nabubulok na ng isang dekada ‘yung mga kuha n’ya. ‘di n’ya pino-post process. ‘yung multiply n’ya? ‘di updated kahit online s’ya. Dahilan n’ya? Katamad eh...
Kalupitan level: 6/5


12. POST-PROCESSING BUFF

Ito ang pinakametikuloso pagdating sa post-processing. Lahat ng options kinakalikot: white balance, tone, color, contrast, dimension at file format. Lahat. Basta makuha n’ya ‘yung pinakamagandang kuha. ‘wag ka, Lahat ng post-processing tools, apps at plugins meron sa PC n’ya - the ultimate darkroom man. Pero ‘pag nakita mo pics n’ya, mapapakamot ka ng singit sa ganda!
Kalupitan level: 5/5


13. MA-WATERMARK

Ito ang mga photographers na sobrang laki ng watermark. Parang watermark ang tinubuan ng picture. Tipong minumura ka sa laki! Pero magtataka ka, elaborate ‘yung design ng watermark: maraming burloloy gaya ng dahon, kahoy, kamay, paa, at ilong. ‘di lang ‘yan, mayroon ding tatadtarin ng iba't ibang styles ng watermark yung picture: paiba-ibang kulay, paiba-iba ng fonts at fontsize, ‘di lang isa minsan parang mga kabute kapag malakas ang kidlat! Masyado nilang pinagmamalaki ang kanilang watermark este, pictures pala.
Kalupitan level: 4/5


14. MODEL+PHOTOGRAPHER COMBINATION

Gulat ka ano? Uso ‘yan ngayon! ‘yan ‘yung mga magagandang babae at lalaking photographers.... ‘yung tipong ‘pag may shoot kayo at walang model, magpopose ‘yan sa isang tabi tapos kunwari hindi wari na kinukunan s’ya ng iba. Makikita mo na lang ‘yan mamaya na nakasandal sa pader, nakahiga sa damuhan, nakaupo sa sahig, tumatawa, umiiyak, gumagawa ng sariling moment. Pero, pero dead-ma pa rin! ‘yung iba talagang ka-career-in ‘tong status na ‘to... ayos eh! Malalaman mo na lang na gina-grab n’ya ang mga kuha mo sa kanya tapos sasabihin n’ya “Sh*t kailan ‘to? Hindi ko ‘to alam ah! Ikaw talaga? Guapo/ganda ko pala!”
Kalupitan level: 4/5


15. BOYSCOUT

Alam n’yo naman siguro ang motto ng isang boyscout: laging handa! ‘yan yung makikita mo na may dalang malaking backpack. ‘yung tipong dala n’ya ‘yung studio n’ya sa bag. ‘pag binuksan mo, (kumikinang pa) at biglang magtratransform khokhokhokhokhok! pooft! instant studio! Lahat ng kakailanganin mo nanduon: softbox, umbrella, tripod, costumes at makeup. Ito na siguro ‘yung magaling magsiksik ng gamit sa bag... ‘yan ‘yung biglang sasabihan ka “Tara shoot tayo, dala ko studio ko sa bag.” Mapapaisip ka sa una at ‘pag nakita mo laman ng bag n’ya, mapapanganga ka at tutulo pa laway mo!
Kalupitan level: 7/5


16. STALKER

Ito na siguro ang ultimate mamaw photographer. Ito ang supling nila MAPINDOT MAPILI, MA-ZOOM at TRIGGER HAPPY.Karamihan ng mga ganitong photographers ay nagsisimula sa mga events na may makikitang magagandang babae at lalaki, tapos babanatan s’ya ng zoom range n’ya mula sa kanyang lens lineup. Makikita mong naka-mount sa camera n’ya ‘yung mga mahahabang range ang zoom. Dadasalan n’yang kuhanan ‘yung natipuhan n’yang subject habang bumubulong ng “maging akin kaaahhh. maging akin kaaahhh…” habang hanggang tainga ang ngiti. Mapapansin mo na kapag nakatingin sa kanya ang subject, biglang itututok n’ya sa iba ang camera para hindi mahalata nung subject na s’ya talaga ang kinukuhaan n’ya. Makikita mo s’ya sa susunod na event shoot na kinukuhanan pa rin ang subject na trip n’ya pero kit lens na ima-mount n’ya para malapitan n’yang kukunan ‘yung subject... style lang n’ya ‘yun. Malalaman mo na lang na hiningi na n’ya ‘yung YM, multiply, deviantart, cellphone number, email address, birthday at first love ng subject n’ya.

__________________


Romeo is offline   Reply With Quote
Old May 7th, 2009, 12:43 PM   #2
lord_dracula
Newbie Poster

 
lord_dracula's Avatar
 
Join Date: Jan 15 2007
Posts: 34
Icon10

LOL. Dun ako sa TAMAD type.
__________________
The BLIPS Network
lord_dracula is offline   Reply With Quote
Old May 7th, 2009, 02:26 PM   #3
Hanzo
Senior Member

 
Hanzo's Avatar
 
Join Date: May 01 2009
Posts: 107
tamad din po
Hanzo is offline   Reply With Quote
Old May 7th, 2009, 02:40 PM   #4
UglyKidJig
Founding Member
 
UglyKidJig's Avatar
 
Join Date: Jul 28 2005
Posts: 937
tamad din.. hehehe
__________________
Saliva causes cancer, but only if swallowed in small amounts over a long period of time
UglyKidJig is offline   Reply With Quote
Old May 7th, 2009, 04:40 PM   #5
csr2
Founding Member
 
csr2's Avatar
 
Join Date: Oct 27 2005
Posts: 594
sakto ako sa TAMAD hahaha
csr2 is offline   Reply With Quote
Old May 7th, 2009, 04:51 PM   #6
maCOOLit
maCOOLit parin
 
maCOOLit's Avatar
 
Join Date: Jul 23 2005
Location: Not at my desk
Posts: 6,733
hahahaa dun din ako sa tamad
__________________
maCOOLit is offline   Reply With Quote
Old May 7th, 2009, 07:53 PM   #7
Einstein
Founding Member
 
Einstein's Avatar
 
Join Date: Jul 27 2005
Location: New York
Posts: 1,274
tamad din
__________________
"The important thing is not to stop questioning. Curiosity has its own reason for existing."
Einstein is offline   Reply With Quote
Old May 8th, 2009, 11:35 PM   #8
arayes
eXtremist

 
arayes's Avatar
 
Join Date: Jul 22 2005
Location: Condo along d Riles
Posts: 8,282
wala pa palang laman ang multiply ko hehe

ka-tamad pumili ng ipo-post eh
arayes is offline   Reply With Quote
Old May 9th, 2009, 08:41 AM   #9
psykosonik
Pulis Pangkalawakan

 
psykosonik's Avatar
 
Join Date: Jul 21 2005
Location: [loh-key-shuhn] - a place of settlement, activity, or residence
Posts: 3,148
gawin na tong quiz sa FB hahahahaha
__________________
First name Mr, middle name 'period', last name T!

psykosonik is offline   Reply With Quote
Old May 9th, 2009, 08:55 AM   #10
schlagger
* immortal *

 
schlagger's Avatar
 
Join Date: Jul 19 2005
Posts: 1,045
model? haha!
mapili, ma-zoom, at tamad....
__________________
schlagger is offline   Reply With Quote
Reply

Bookmarks

Thread Tools

Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

BB code is On
Smilies are On
[IMG] code is On
HTML code is Off

Forum Jump

Similar Threads
Thread Thread Starter Forum Replies Last Post
Call Center Topics tekkies "Anything Goes" Lounge 279 April 15th, 2010 08:40 PM
ARROYO'S STATE OF THE NATION ADDRESS (Transcript) fossil "Anything Goes" Lounge 5 July 29th, 2008 02:17 PM
Mga prediksyon ni Jojo Acuin sa 2007 fossil "Anything Goes" Lounge 17 January 3rd, 2008 12:21 PM
Bakit Single Ka Pa? havatites "Anything Goes" Lounge 15 December 13th, 2006 10:34 PM


All times are GMT +8. The time now is 05:04 PM.


Powered by: vB 3.8.4
Copyright ©2000 - 2010
BNC eXtreme Edition